Ayon po sa Health Ministry ng Turkey, may 68,413 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa noong 6 January 2022, Huwebes. Ito po ang pinakamataas na naiulat na bagong COVID-19 cases sa Turkey sa isang araw.
Dahil po sa pagtaas ng COVID-19 cases, muli po na nagpa-alala ang mga kinaukulan ng Turkey ang kahalagahan ng pagsunod sa mga hakbang para sa proteksyon ng lahat. Kasama po rito ang patuloy na pag-suot ng masks, mahigpit na social distancing at pag-iwas sa mga sitwasyon o lugar na kung saan mabilis ang pagkalat ng virus, kagaya ng mga sumusunod:
- Matatao na mga lugar o sitwasyon
- Pagtitipon sa mga tirahan
- Mga pasyalan na sarado at walang mahusay na daloy ng hangin
- Mga lugar kung saan matagal ang mga tao na walang suot na mask (halimbawa, restoran atbp.)
Para sa proteksyon nating lahat, at bilang pakikiisa sa panawagan ng mga kinaukulan ng Turkey, iminumungkahi po ng Philippine Embassy na sundin natin ag mga nasabing hakbang. Gayundin ay isa-ayos po natin ang mga kinakailangan na lakad o paglabas na hindi maaring ipagpaliban muna.
Para po sa mga kababayan na may plano na magtungo sa Embassy, pinapayuhan po na hangga’t maari ang paunang pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng e-mail, text, o tawag upang matugunan ang mga anumang tanong at upang makapag-set ng appointment.
TRUNKLINE: (10 AM - 4PM, Lunes – Biyernes)
(+90) (312) 4423824; 4423825; 442 3827
Consular Hotline for Passport, Notarials, Civil Registration
Text/WhatsApp/Viber/Call: (+90) 530 447 9743
E-mail: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
Emergency/ ATN Hotline
(for death, arrest, detention, domestic violence,
physical abuse and similar cases involving Filipinos)
Text/WhatsApp/Viber/Call: (+90) 534 577 2344
E-mail: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
FB Messenger: Philippine Embassy in Turkey
Mahalaga po para amin ang inyong kalusugan at kaligtasan!